Bakit ba malakas ang US dollar?
Noong nagsimula ang Pandemya noon 2020 nagsara ang ekonomiya ng mundo. At dahil dito binaba ng Federal Reserve (FED) ang interst rates nito sa 0.10%. Ginawa ito upang tulungan ang mga tao at business na lubhang naapektuhan ng pagsasara ng ekonomiya.
Sa kalagitnaan ng taong 2021, nagsimula na ang usap usapan na magtataas na ang FED ng interest rate nito dahil nagsimula na umangat ang inflation sa US(USCCPI - violet line). At dahil sa usapang ng pagtataas ng interest rates nagsimula na rin tumaas ang value ng US Dollar (DXY(Orange line) kasabay nito nang pagtaas ng USDPHP(Black line)).
Ngunit sa panahong ito, pinaniniwalaan ng FED na ang inflation ay "transitory" (spike lang o mawawala din). makikita ito sa 3rd quarter ng 2021 na kung saan nagmukhang pababa na ulit ang inflation. Pero dahil inaasahan na ng mga tao na magtataas ang FED ng interest rates, tuloy tuloy ang pagtaas ng value ng dollar (DXY-Orange line).
4th quarter ng 2021 sumipa ulit ang inflation kaya sumiklab ulit ang usapang ng pagtataas ng interest rates at sa panahon na ito nagsimula na magbigay ng senyales ang FED na matataas na sila ng interst rates kaya lalong sumipa ang value ng dollar(Dxy-Orange line)
Pagpasok ng 2022 nagbigay na ng pahayag ang FED na magtataas na sila ng interest rates (Monetary tightening) dahil sa napakataas at napakalakas na inflation. Dahil sa mabilis at aggresibong Monetary tightening ng FED. Lalong sumipa ang presyo ng US dollar (DXY - Orange line).
Sa kalagitnaan ng 2022, makikita na bumabagal ang pagtaas ng inflation (USCCPI-violet line) kaya nagkakaroon na ng usap-usapan na babagalan na ng FED ang kanila pagtataas ng interest rates. PERO biglang sumipa ito noong September kaya tinuloy ng FED ang kanilang aggresibong monetary tightening.
At ngayon, inaasahan na hangang sa November 2022 aggressibo pa rin ang FED sa mga gagawin nito kung hndi magbabago ang mga data. Kaya asahan na pwede ba lumakas ang USDPHP depende sa data ng inflation sa US at sa mga hakbang ng FED.
--------------------------------------
Chart : USDPHP + DXY + FED Funds Rate + Core CPI
Makikita nyo sa chart natin na ang palitan ng USDPHP(black line) ay sumusunod lamang sa lakag ng US Dollar (Orange line). Ang lakas naman ng USD ay nakabase sa expectation ng tao sa pagtataas ng FED ng interest rate nito(FEDFUNDS-blue line). Ang FED naman ay gumagalaw ayon sa mandates nito, isa narito ay ang price stability o inflation (violet-line)