BAGYONG 'KARDING', TATAWIRIN NA ANG CENTRAL-NORTHERN LUZON BUKAS ⚠️
Bukas tatawid ang bagyong #KardingPH (#Noru) sa Northern-Central Luzon area. Maghanda sa malalakas na hangin at ulan. Ang habagat at trough ng bagyo ay nagdudulot na ng ilang pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas ngayong araw.
KASALUKUYANG IMPORMASYON:
• LOKASYON (4:00 AM): 795 km East of Tuguegarao, Cagayan
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 85 km/h
• PAGBUGSO: 105 km/h
• PAGKILOS: West Southwestward at 10 km/h
MGA DAPAT MALAMAN:
[1] NASAAN NA ANG BAGYO?
➡ Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 795 km East of Tuguegarao, Cagayan (Philippine Sea). Ang sentro nito ay malayo pa sa kalupaan, ngunit ang sirkulasyon nito ay posibleng magpaulan na sa silangang bahagi ng Luzon simula mamayang gabi.
[2] SAAN ITO TATAMA?
➡ Sa inaasahang bilis nito, posibleng ang sentro ng bagyo ay unang mag-landfall sa silangan ng Isabela-Aurora area bukas (Linggo) ng umaga o hapon. Ito ay bahagyang mas mababa kumpara sa forecast kahapon.
➡ Patuloy itong bantayan dahil posible pang umangat (Northern Luzon) o bumaba pa (Central Luzon) ang track ng bagyo sa mga susunod na oras.
[3] LALAKAS PA BA ITO?
➡ Habang nasa mainit karagatan pa ng Philippine Sea ang bagyo, ito ay inaasahang patuloy na lalakas at aabot ng 'SEVERE TROPICAL STORM' na kategorya bago mag-landfall bukas. Hindi pa rin
➡ Hindi inaalis ang posibilidad na umabot pa ito sa 'TYPHOON' na kategorya bago tawirin ang Luzon.
[4] ANO ANG EPEKTO NITO SA BANSA NGAYONG ARAW?
➡ Ang trough nito at habagat ay magdudulot na ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Southern Luzon, Visayas, at hilagang bahagi ng Mindanao. Pangkalahatang maayos pa ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
➡ Ang outer rainbands ng bagyo ay posibleng magpaulan na silangang bahagi ng Northern at Central Luzon simula mamayang gabi.
[5] ANO ANG EPEKTO NITO SA BANSA BUKAS?
➡ DIREKTANG EPEKTO: Ang epekto ng bagyo ay inaasahang pinakaramdam sa Northern-Central Luzon area bukas
➡ PAGBUGSO NG HANGIN: Ang mapaminsalang lakas ng hangin ng bagyo ay inaasahang mararamdaman sa mga lugar na direktang tatamaan ng sentro nito - sa katimugang bahagi ng Northern Luzon at hilagang bahagi ng Central Luzon.
May kalakasang lakas ng hangin rin ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Northern at Central Luzon dahil sa bagyo. May ilang pagbugso rin ng hangin sa Metro Manila, Southern Luzon, at Visayas dahil sa pinagsamang epekto ng bagyo at habagat.
➡ PAG-ULAN: Pinakaramdam ang pinakamalalakas na ulang bagyo sa Central Luzon katimugang bahagi ng Northern Luzon.
Hanggang sa malawakang mga pag-ulan rin ang inasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon (kasama ang Metro Manila) at Visayas bukas dulot ng pinagsamang epekto ng bagyo at habagat.
Maging handa sa posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malalakas na pag-ulan.
[6] HAHATAKIN BA NITO ANG HABAGAT?
➡ Nagsimula nang hatakin ng bagyo ang habagat, kung saan nagdudulot na ito ng kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Southern Luzon at Visayas. Pinakaramdam ang epekto nito sa kanlurang bahagi.
➡ Posibleng mas maging maulan bukas (Linggo) at magpatuloy ang makulimlim na panahong dulot nito hanggang sa Lunes.
[7] KAILAN LALABAS ANG BAGYO?
➡ Posibleng lumabas ng kalupaan ng Luzon ang sentro ng bagyo sa Linggo nng gabi o Lunes nng umaga. Sa Lunes ng hapon o gabi naman ito posibleng lumabas mula sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
ℹ️ This is a collaborative update from PanahonKonek Coalition member groups sourced from official weather agencies and different forecast models. Be updated for possible changes and stay safe!
Special Update No. 3 for Tropical Cyclone 'KARDING'
5:30AM PhST 24 September 2022
Main Reference: JMA | JTWC | CWB | CMA | PAGASA
Model Reference: GFS | ECMWF | HWRF