ABANDONED UNFINISHED DOCTOR'S MANSION SA NAIC CAVITE | HAUNTED DAW??

ABANDONED UNFINISHED DOCTOR'S MANSION SA NAIC CAVITE | HAUNTED DAW?? 😱

"Isang bahay na abandonado ang aming na explore sa bayan ng naic cavite. Una na itong napuntahan ng aming kaibigan na sina STEVE WONDER.

wala kaming kongkretong impormasyon tungkol sa bahay na ito kaya sinubukan naming mag tanong tanong sa mga kalalapit na bahay at maging sa kamag-anak na nakatira malapit dito sa abandonadong bahay. ayun sa kamag anak na aming napag paalaman ay hindi na rin daw nya tanda kung kaylan ito itinayo ang pag kaka alam lang daw nya ay nasunog ito noon pero hindi narin nya maalala ang taon ng pagkasunog ng bahay. 

Ayun naman sa kalapit na bahay na aming nakausap ay sa pagkaka alam daw nila ay 1950s o 1960s ito naitayo at Mayroon namang nagsasabi na 1930s ito itinayong bahay.  ito raw ay pagmamay-ari ng isang doktor ng Philippine army noon. Ngunit nang mamatay daw ang doktor ay hindi na ito natapos. 
Ginawa nalang daw itong rest house ng mga kamag-anakan ng pamilya. Ayun sa iba ay mga pamilyang PAPA daw ang nagmamay-ari ng bahay na ito.

Hati naman ang paniniwala ng iba tungkol sa mga katatakutan na kwento dito sa bahay. Ayun sa katapat ng bahay na ito ay naniniwala sila na ito raw ay haunted dahil sa mga sabi-sabi ng iba na nakikita nila tuwing mapapatingin sila sa mga bintana ng bahay. May mga nag sasabi naman na hindi totoong haunted ang bahay na ito dahil mula pa daw ng pagkabata ay dito na sila nag lalaro. Ang dating garden ng bahay ay nag silbi daw nilang playground noon. Ayun pa sa iba ay mayroon daw itong imbalsamuhan ng patay sa parting likod ng bahay. 😱

Pinasok namin ito sa aming pag iikot sa loob ay wala naman kaming na experience na kakaiba kundi namangha ako sa subrang ganda ng panloob na desenyo ng bahay. Napaka detalyado ng lahat na iisipin mo talagang malaking pera ang ginastos dito. Symmetrical ang ibang desenyo ng parti ng bahay kaya masasabi mo ding magaling na mason ang gumawa nito. Mayroon itong spiral stair paakyat sa second floor at mga double door na detalyado din ang mga desenyo. Maraming desensyo ang loob na mapapaisip ka kung para saan ito. 😅

Sa labas naman ng bahay ay ma pi-feel mo na para kang pumasok sa palasyo tulad ng sa beauty and the beast dahil sa subrang dami ng tinik ng tuyong bungabilia. 😂

Wala akong ibang masabi sa bahay na ito para sa akin ay hindi sya nakakatakot. Nakakapanghinayang dahil ang ibang parti nito ay bumagsak na. Paano kaya kung ito ay natapos maipagawa ng doktor noon. Siguro mas maganda pa ang itsura nito hangang ngayon"

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored