STS PAENG IS NOW CROSSING MAINLAND LUZON ⚠️
Tinatatawid na ng bagyong #PaengPH ang katimugang bahagi ng Luzon. Asahan ang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Metro Manila at Central-Southern Luzon area, samantalang maulan pa rin sa halos buong bansa dahil sa lawak ng bagyo.
• LOKASYON NG SENTRO (4:00 AM): Vicinity of Siruma, Camarines Sur
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 95 km/h
• PAGBUGSO: 160 km/h
• PAGKILOS: West northwestward at 30 km/h
• LAWAK NG HANGIN NG BAGYO: 560 km mula sa sentro
MGA DAPAT MALAMAN:
[1] NASAAN NA ANG BAGYO?
➡ Ang sentro ng bagyong PAENG ay nasa hilagang bahagi na ng Bicol Region. Ganunpaman, dahil sa lawak ng sirkulasyon nito, ramdam ang masamang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
[2] LALAKAS PA BA ITO?
➡ Ang bagyo ay isa nang Severe Tropical Storm (STS), at inaasahang bahagyang hihina sa mga susunod na oras habang binabaybay ang kalupaan
[3] SAAN ITO POSIBLENG DUMAAN?
➡ NGAYONG UMAGA HANGGANG GABI:
Ang sentro ng bagyo ay inaasahang babaybayin ang hilagang bahagi ng Bicol Region, CALABARZON, Metro Manila, at katimugang bahagi ng Central Luzon.
➡ BUKAS (LINGGO) NG MADALING ARAW HANGGANG HAPON:
Ang sentro ng bagyo ay inaasahang lalabas na nasa West Philippine Sea at kikilos palayo sa kalupaan.
[4] ANO ANG INAASAHANG PANAHON NGAYONG ARAW?
➡ Ang malawak na mga kaulapan ng bagyo ang nakakaapekto sa buong bansa ngayong araw
• Pinakaramdam ang mga malawakang mga malalakas na pag-ulan at malalakas na pagbugso ng hangin ngayong araw sa Metro Manila Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, at hilagang bahagi ng MIMAROPA.
• Posible ang hanggang katamtaman at minsang malalakas na pag-ulan at hanggang sa malalakas na pagbugso ng hangin sa Visayas, silangang bahagi ng Northern Luzon, at kanlurang bahagi ng Mindanao.
• Makulimlim na papawirin at mga kalat-kalat na mga pag-ulan at pagbugso ng hangin rin ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
⚠️ IMPORTANT NOTE ON INCREASED CHANCE OF FLOODING AND LANDSLIDES:
Patuloy na pinag-iingat ang lahat, lalo na sa mga nasa LUZON AT VISAYAS, sa banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, lalo pa at posibleng "saturated" na ang lupa sa ilang mga lugar dulot ng mga pag-ulang nitong mga nakaraang araw.
ℹ️ This is a collaborative update from PanahonKonek Coalition member groups sourced from official weather agencies and different forecast models. Be updated for possible changes, and stay safe!
• BULLETIN NG PAGASA: https://bagong.pagasa.dost.gov.ph/tropical-cyclone/severe-weather-bulletin/1
Special Update No. 04 for Tropical Cyclone 'PAENG'
7:30 AM PhST 29 October 2022
Main Reference: JMA | JTWC | CWB | CMA | PAGASA
Model Reference: GFS | ECMWF | HWRF