BANGKAY NG ISANG BABAE, NATAGPUAN SA MADAMONG LUGAR SA ANGELES CITY

BANGKAY NG ISANG BABAE, NATAGPUAN SA MADAMONG LUGAR SA ANGELES CITY....

City of Angeles, PAMPANGA - Patuloy pa ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng Angeles City Police Office Station 4 kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang babae sa madamong bahagi sa Brgy. Anunas ng lungsod na ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PSsg. Adrian D. Rodriguez OIC, bandang alas 7:40 ng gabi noong October 26, 2022 ay nagsadya sa himpilan ng station 4 ang truck driver na si Gilbert Ordoñez y Ancheta, residente ng Lourdes, Cabanatuan City, Nueva Ecija upang ipagbigay alam ang nakita niyang bangkay.

Kaagad naman na inatasan ni Station 4 Commander PMAJ. Christopher D. Lalic ang kaniyang mga tauhan at kaagad na nagsadya sa lugar ang mga operatiba upang maberipika ang sinabi ng driver at pagdating sa lugar ay natagpuan nga nila ang hubad na bangkay ng isang babae na nasa decomposition stage na.

Ayon sa truck driver pagsapit niya sa Purok 1, Margot Road. Brgy. Anunas ay pansamantala umano siyang huminto at bumaba dahil sa tawag ng kalikasan (ebak) ngunit nagulat siya dahil pagpasok niya sa madamong bahagi na di kalayuan sa kalsada ay bumungad sa kanya ang bangkay ng babae.

Nagsagawa naman kaagad ng proseso ang ang team ng ACFU at ang Scene of the crime investigation (SOCO) sa pangunguna ni PCPT RICHARD A FRIAS.

Sa pagsisiyasat, wala umanong anumang suot ang biktima at ang mga under wear at shorts ay nakuha loob ng isang bag, wala din umanong cellphone na nakita sa lugar para sa posibleng mayroong makontak sa kaanak o kaibigan ng biktima, wala din umanong anumang bagay ang nawawala sa mga personal na gamit ng biktima na natagpuan sa lugar.

Nagpapatuloy pa ang follow up investigation at pakikipag ugnayan ng Angeles City Police sa mga LGU at kalapit na Barangay upang malaman ang posibleng pagkakakilanlan sa biktima.

Hindi pa tuwirang masabi ng Pulisya kung nagkaroon ng foul play o posibleng pinagsamantalahan muna bago patayin ang babae hangga't hindi lumalabas ang resulta ng isinagawang autopsy para malaman ang tunay na dahilan sa pagkamatay.o pagpatay.

Sa ngayon ay nakalagak ang bangkay ng biktima sa Punerarya Pangilinan.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored