GUYABANO

KAALAMAN TUNGKOL SA GUYABANO BILANG HALAMANG GAMOT



👉Ang Guyabano ay kilala dahil sa pinakahealthy na prutas na maari natin kainin para mapalakas ang ating kalusugan. Ang guyabano o soursop sa Ingles ay isang maliit na puno na nagbubunga at kilala bilang isang mabisang halamang gamot laban sa mga sakit.
Ang iba't ibang bahagi ng guyabano tulad ng dahon, balat ng kahoy at bunga nito ay maaring makuhanan ng maraming uri ng healthy kemikal na may magandang benepisyo sa kalusugan.
👉Ang dahon ng guyabano ay isa rin na napakahalagang parte ng prutas na ito at karamihan sa atin hindi alam na ito rin ay may mga benepisyo sa ating katawan. Marami ang hindi nakakaalam na pwedeng inumin ang katas ng guyabano leaves at gawin itong tea. Sa artikulo na ito, ibabahagi namin kung paano ito sangkapin at kung bakit importante ang paginom mo nito araw araw.
Bakit Kailangan uminom ng nilagang dahon ng guyabano? Ano ang mga sakit na maaring magamot nito?

✔1. Cancer
Kilala ang guyabano bilang isang cancer fighting fruit na 10x na mas malakas kaysa sa chemotherapy. Ito ay makakatulong labanan ang mga cancer cells at limitahan ang epekto ng side effect ng chemotherapy sa mga pasyente. Ang paginom ng guyabano o pagkain sa prutas nito ay siya rin makakatulong upang maiwasan ang cancer sa katawan.

✔2. UTI
Madalas ka bang magka UTI? Alam mo ba na ang guyabano ay isa sa pinaka effective na panlunas sa UTI o urinary tract infection dahil ito ay may Vitamin C na nakakapagpaalis ng harmful bakterya sa ating daanan ng ihi.

✔3. High Blood
Sa mga taong may high blood pressure o hypertension, ang pag inom ng guyabano leaves ay makakatulong upang mapababa ang mataas sa presyon.

✔4. Diabetes
Para sa mga taong may diabetes o may lahi nito, mahalaga ang paginom ng guyabano tea upang mamaintain ang blood sugar level sa atng katawan dahil ito ay makakatulong na ipababa ang sugar blood ng walang masamang epekto.

✔5. Constipation
Madalas ba kayong cosntipated at hirap sa pagdumi? Alam niyo ba na ang guyabano tea ay makakatulong sa inyo upang makapagdumi ng regular dahil ito ay puno ng fiber substance na makakaiwas at makakatulong sa constipation.

👉Paano inumin ang guyabano leaves?
✔Kumuha ng dahon ng guyabano at ilagay ito sa isang kaldero na may pinakulong tubig. Hinaan at ilagay ang flame ng stove sa medium to low at takpan ito. Pakuluan ito 10-20 na minuto. Matapos pakuluan, ilipat ang katas nito sa isang lagayan. Maari mo itong inumin 3 beses sa isang araw upang mas madaling maabsorb ito ng iyong katawan.
Maari ka mag dagdag ng honey kung ayaw mo ang lasa nito. Ugaliin ang paginom nito dahil isa ito sa pinakahealthy na inumin para sa ating kalusugan.

👉✔ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA GUYABANO?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang guyabano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

✔Ang mga pangunahing substansya na taglay ng guyabano ay tannins, steroids and cardiac glycosides
✔Ang dahon ay makukuhanan ng langis; myricyl alcohol, sitosterol, at fatty acids gaya ng oleic, linoleic, at stearic acids. Mayroon din itong lignoceric acid at anolol
Ang bunga ay may saccharose, dextrose, at levulose
✔Ang balat ng kahoy ay mayroong acetogenin, solamin at triterpenoids, stigmasterol at sitosterol
✔ang buto ay may taglay na lactones, annomonicina, annomontacina, annonacina, annomuricatina, annonacinona, javoricina
✔Ang katas at laman ng bunga ay mayroon pang carbohydrate, fiber, retinol, ascorbic acid, flavonoids, at tannin

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
✔Dahon. Ang dahon ay kadalasang pinapakuluan at pinapainom sa maysakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
✔Bulaklak. Maaaring ilaga ang bulaklak at ipainom sa taong may sakit.
✔Bunga. Ang hilaw na bunga ay karaniwang kinakatasan upang gamitin bilang gamot. ✔Ang sabaw naman ng hinog na bunga ay mabisa rin sa ilang mga kondisyon. Maaari ding gamitin ang laman ng guyabano bilang pantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG GUYABANO?

✔1. Pagtatae. Ang hilaw na bunga ng guyabano ay maaaring gamitin para sa kondisyon ng pagtatae. Maaari din gamitin ang katas ng hinog na bunga ng guyabano.
✔2. Lisa at kuto. Ang paghuhugas sa ulo na apektado ng lisa at kuto gamit ang pinaglagaaan ng dahon ng guyabano. Mabisa rin ang paggamit sa pinulbos na buto ng guyabano.
✔3. Pamamanas ng paa. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang pinaglagaan ng dahon upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
✔4. Eczema. Ang implamasyon sa balat ay maaari ding mapahupa sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng guyabano.
✔5. Rayuma. Mabisa para sa pananakit ng mga kasukasuan ang pagpapahid ng langis mula sa dahon ng guyabano at hilaw na bunga nito.
✔6. Diabetes. Makatutulong para sa sakit na diabetes ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy at dahon ng guyabano.
✔7. Kanser. May ilang pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na mabisa ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan sa pagpigil ng pagkalat ng cancer cells sa katawan.
✔8. Sipon. Ang matinding pagtulo ng sipon ay maari namang malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng guyabano. Maari din gamitin ang bulaklak para sa kaparehong epekto.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored