As of April 7, nasa 62,170,268 na ang kabuuang bilang ng naparehistrong SIM card sa bansa, ayon sa Department of Information and Communications Technology.
Nasa 4,711,456 nito ay DITO subscribers, 26,348,304 ay Globe users, habang 31,110,508 ang sa Smart.
Hinihimok ng DICT ang bawat subscriber na ipa-rehistro ang kanilang mga SIM card bago sumapit ang deadline ng registration na sa darating na Abril 26.
Para makapagparehistro, i-scan ang QR code o magtungo sa mga sumusunod na website:
DITO: https://digital.dito.ph/pto/download/app
GLOBE: new.globe.com.ph/simreg
SMART: smart.com.ph/simreg