EATING PAKWAN MAIIWASAN ANG ATAKE SA PUSO STROKE MAIIWASAN ANG CANCER PAMPALINAW NG MATA PAMPAALIS NG STRESS PAMPAHABA NG BUHAY

 


EATING PAKWAN MAIIWASAN ANG ATAKE SA PUSO STROKE MAIIWASAN ANG CANCER PAMPALINAW NG MATA PAMPAALIS NG STRESS
PAMPAHABA NG BUHAY
Alam mo ba ang pakwan ay hindi lang basta masarap na prutas o gulay dahil ito din ay gamot narito at basahin nyo ang mga iba't ibang uri ng sakit na pwedeng pagalingin ng pagkain ng pakwan.
Nakakatulong sa ating Kidney o Bato.
Ang ating kidney o bato ang nagsisilbing salaan ng mga pagkain o mga iniinum natin kaya mahalagang pangalagaan natin ito. Ang madalas na pagkain ng pakwan ay nakakatulong para mapanatili nating malusog ang ating kidney dahil sa taglay nitong potassium.
Ang potassium ang nagtatangal ng mga toxic sa ating kidney, nagaalis ng mga uric acid sa ating dugo at tumutulong maiwasang magkaroon tayo ng kidney stone. Ang pakwan ay isang mabuting tagasupply ng tubig dahil binubuo ang bigat nito ng 92 porsyento ng tubig na mainam sa ating kidney.
☘Nakakatulong maiwasan ang Heat Stroke.
Tila sinadya ng tadhana na ang pakwan ay madalas itanim kapag summer para makatulong maiwasan ang heat stroke na madalas sakit tuwing summer. Ang heatstroke ay hindi simpleng uri ng sakit dahil pwede natin itong ikamatay.
Ayon sa pagaaral ang pakwan na kilala bilang summer fruit ay nakakatulong pangtawid uhaw sa sobrang init ng araw dahil ito ay puro tubig. Ang pakwan ay nakakatulong din para bumaba ang ating blood pressure sanhi ng sobrang init.
☘Nakakatulong maiwasan ang sakit na kanser.
Ang pakwan ay nagtataglay ng Lycopene na isang carotenoid phytonutrient na lumalaban sa sakit na cancer tulad ng breast cancer, colon cancer, lung cancer at endometrial cancer. Ang vitamin C na taglay ng pakwan ay isa ring panlaban sa pagdami ng cancer cells sa ating katawan.
☘Nakakatulong sa may Diabetes.
Ang sakit na diabetes ay isa sa sikat na sakit ng mga Pilipino ngayon ito ay dahilan ng pagtaas ng sugar natin sa ating katawan. Ang pakwan ay tinaguriang wonder fruit sa mga taong my diabetes sa kadahilanang kahit ito ay matamis kunting sugar lang ang taglay nito, ang 100 grams na pakwan ay may katumbas na 6 grams lang na sugar. Nagtataglay din ito ng potassium at magnesium na nagsisilbing insulin ng ating katawan na dahilan ng pagbaba ng ating sugar.
☘Nakakatulong sa ating Puso.
Ang pagkain ng pakwan ay nakakatulong sa ating puso at pinapanatili nito ang ating cardiovascular system na malusog dahil sa taglay nitong carotenoid. Nagtataglay din ito ng dietary fibers na nagcocontrol ng cholesterol na pwedeng maging sanhi ng sakit sa ating puso tulad ng heart attact, heart stroke at iba pa.
☘Nakakatulong sa ating mga mata.
Ang ating mata ang dahilan kung bakit natin nakikita ang mga magagandang bagay na gawa ng Diyos sa ating kapaligiran, kaya dapat natin itong pangalagaan at iiwas sa ano mang sakit gaya ng pagliit ng mga muscle.
☘Ang pakwan ay isang epektibong panlaban laban sa ano mang sakit na pwedeng makuha ng ating mga mata. Nagtataglay ito ng mga nutrients tulad ng beta carotene, vitamin C, lutein and Zeaxanthin na mainam sa ating mga mata at tumutulong iwasan na magkaroon ng sakit na macular degeneration at pagkabulag.
☘Nakakatulong sa sakit na Erectile Dysfunction.
Ang pagkain ng pakwan ay mainam na source para sa pag improve ng sexual health natin dahil sa taglay nitong Arginine. Ang Arginine ay isang uri ng paraan para maiwasan ang sakit na erectile dysfunction at nakakadagdag ito ng pananabig sa pagtatalik ng isang tao.
☘ Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang.
Ang pagkain ng pakwan ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang dahil mababa ang calories na taglay nito. ang 100 grams na pakwan ay may katumbas na 30 calories dahilan upang hindi tumaas ng sobra ang iyong timbang dahil din ito sa dietary fiber na magpaparamdam sayo na ikaw ay laging busog. Nagtataglay din ang pakwan ng citrulline na kapag nagmetabolized ay nagiging arginine na tutulong para maiwasan tumaas ang timbang.
☘Nakakatulong maiwasan ang sobrang stress.
Ang pakwan ay mainam na pantangal ng stress dahil sa taglay nitong mga nutrients na nagpapakalma sa mainit at pagod nating ulo. Ito rin ay pwedeng panggamot sa depresyon na pwedeng maramdaman ng ibang tao. Kahit na mababa ang taglay nitong calories nakakatulong pa din ito maboost ang ating energy level na syang dahilan ng pagkawala ng stress na ating nararamdaman.
☘Nakakatulong sa ating mga buto.
Ang pakwan ay nakakatulong patibayin at patigasin ang ating mga buto dahil meron itong mga nutrients gaya ng Lycopene, potassium and magnesium. Ang potassium ay tumutulong sa kalusugan ng ating mga buto at ang mabisang panlaban sa anu mang sakit na sumisira ng calcium n gating boto na dahilan ng pagkasira nito at pagkakaroon ng sakit na osteoporosis. Samantala ang Magnesium naman ang nagsisilbing pampatibay ng ating mga buto.


Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored