BAGYONG 'GORING' ISA NANG GANAP NA TYPHOON; INAASAHANG DADAPLIS SA ISABELA BUKAS O SA LINGGO BILANG NAPAKALAKAS NA BAGYO 🌧️🌀
UPDATE: Ayon sa latest update ng Japan Meteorological Agency [JMA] umaabot na ang lakas ng bagyong #GoringPH sa 10-minute na LAKAS NG HANGIN na 120 KM/H at BUGSONG PAPALO SA 175 KM/H. Kumikilos ito pa-timog kanluran ng MABAGAL.
Samantala, sa Joint Typhoon Warning Center [JTWC] ng Amerika ay isa na itong CATEGORY 2 na may lakas ng hangin na 155 KM/H - ginagamit nila ang 1-minute sustained wind [source | ATCF].
Inaasahang DADAPLIS ang bagyong GORING sa #Isabela at magdadala ng NAPAKALAKAS na HANGIN at ULAN sa silangang bahagi ng probinsya -- hindi pa ito inaasahang tatama sa lalawigan ng diretso ngunit matatamaan ng inner rainbands ng bagyo.
Mag-ingat at magmonitor dahil sa posibleng pagbabago.
Impormasyon mula sa JTWC at JMA