CALAUAN COMMUNITY COLLEGE, BUKAS NA SA PUBLIKO 🏫📚
TINGNAN: Pormal nang pinasinayaan ang Calauan Community College sa bayan ng Calauan nitong nagdaang Miyerkules, Agosto 23.
Pinangunahan ni Calauan Mayor Roseller “Osel” Caratihan kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kapitan ng iba't ibang barangay sa bayan ang ginanap na seremonya.
Ang nasabing kolehiyo ay pansamantalang matatagpuan sa loob ng Dayap National High School sa Brgy. Dayap at kasalukuyang tumatanggap ng mag-aaral sa mga kursong Bachelor in Public Administration at Bachelor of Science in Midwifery.
Ngayong araw ay pormal nang binuksan ang pagsisimula ng klase sa nasabing paaralan.
Source/Photo: PIA Laguna