TATLONG BAGYO BINABANTAYAN SA NORTHWEST PACIFIC


TATLONG BAGYO BINABANTAYAN SA NORTHWEST PACIFIC🌀 

Sa tatlong (3) bagyong binabantayan ng Japan Meteorological Agency (JMA) ngayon, isa ang nakakaapekto sa Pilipinas (#GoringPH), at isa ang papasok sa PAR ngunit hindi rin tatama (#Hakui). Ang isa namag Tropical Depression ay malayo at halos walang magiging epekto sa bansa.

Note: Ang Japan Meteorological Agency (JMA) ang opisyal na nagbabantay ng mga bagyo sa northwest Pacific basin, kung saan kabilang ang Pilipinas. 

➡️ SUPER TYPHOON GORING (SAOLA) - Ito ay kasalukuyang malapit at nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon. Ang bagyo ay inaasahang kikilos na rin palayo sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang inilabas naming 11:30 AM update kanina. 

➡️ SEVERE TROPICAL STORM HAIKUI - Ito ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,465 km sa silangan ng Extreme Northern Luzon kaninang 10:00 AM. Inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngunit nananatiling MABABA ang tiyansang tumama sa Pilipinas. Ganunpaman, tutulong ito magpalakas ng habagat sa mga susunod na araw. 

➡️ TROPICAL DEPRESSION - Ito ay lubhang malayo sa Pilipinas at huling namataan ng JMA sa Pacific Ocean sa timog silangan ng Guam ngayong araw. Maliit ang tiyansa nito sa ngayon na pumasok sa loob ng PAR o direktang makaapekto sa bansa. Ganunpaman, patuloy itong babantayan, lalo pa at posibleng tumulong rin ito sa pagpapalakas ng habagat sa mga susunod na araw. 

⚠️ Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa mga sama ng panahon. Ingat po! 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored