TYPHOON GORING PALAPIT NA SA EXTREME NORTHERN LUZON, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN

TYPHOON GORING PALAPIT NA SA EXTREME NORTHERN LUZON, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN⚠️ 

Maulan at mahangin pa rin sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula dahil sa bagyong #GoringPH at enhanced #habagat. Pinakaramdam ang mapanganib na panahon sa Extreme Northern Luzon ngayong gabi hanggang bukas.

Kasalukuyang Impormasyon: 

• LOKASYON NG SENTRO: 165 km East of Calayan, Cagayan
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 165 km/h
• PAGBUGSO: 205 km/h
• PAGKILOS: West Northwestward at 10 km/h
• LAWAK NG MALALAKAS NA HANGIN: 350 km from the center

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs): 

➡️ ANO ANG EPEKTO NITO NGAYONG ARAW? 

• Ang bagyo ay magsisimula nang magdulot ng masungit na panahon o malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa #Batanes, #Babuyan Islands, #IlocosNorte, #Abra, #Apayao, #Cagayan, at #Isabela. Inaasahang titindi pa ito sa mga susunod na oras. 

• Ang panlabas na sirkulasyon ng bagyo ay magdudulot na rin ng pabugsu-bugsong ulan at hangin sa nalalabing bahagi ng #NorthernLuzon. 

• Ang lumalakas na habagat ay magdudulot rin ng hanggang sa matitinding pag-ulan at pabugsu-bugsong hangin sa #CentralLuzon, #MIMAROPA, #WesternVisayas, #Cavite, at #Batangas. Pinakaramdam ngayong araw ang matitinding ulan sa #Zambales, #Bataan, #OccidentalMindoro, northern #Palawan, #Antique, #Iloilo, at #Aklan.

• Magiging makulimlim rin ang papawirin at may mga pabugsu-bugsong ulan at hangin na ring inaasahan sa #MetroManila, nalalabing mga bahagi ng #Luzon at #Visayas, at #ZamboangaPeninsula. 

• Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na rin ang papawirin sa Mindanao dahil sa epekto ng habagat. Posible ang mga paminsan-minsang pag-ulan at pagbugso ng hangin. 

➡️ LALAKAS PA BA ANG BAGYO? 

• Inaasahang lalakas muli ang bagyong GORING habang lumalapit sa Extreme Northern Luzon. Hindi inaalis ang posibilidad na maging 'SUPER TYPHOON' muli ito. 

➡️ ANO ANG MAGIGING PAGKILOS NITO? 

• NGAYONG MARTES-MIYERKOLES: Ang bagyo ay kikilos na palapit sa Extreme Northern Luzon. Inaasahang dadaan ito sa Batanes-Babuyan Islands bukas (Miyerkoles ng madaling araw hanggang umaga).

• HUWEBES-BIYERNES: Ito ay kikilos na papunta sa Taiwan-Southern China at tuluyan nang lalayo sa bansa. 

➡️ ANO ANG MAGIGING EPEKTO NITO SA MGA SUSUNOD NA ARAW?

• MIYERKOLES: Inaasahang madaling araw tatawirin ng bagyo ang Batanes-Babuyan Islands, kaya gabi pa lang ng Martes ay mararamdaman na ang hanggang sa matitinding pag-ulan at malalakas na pagbugso ng hangin sa Extreme Northern Luzon, partikular sa Ilocos Norte, Batanes, Abra, Apayao, at Cagayan.

Pinakamararamdaman ang pinakamalalakas na hangin at ulan ng bagyo sa Batanes at Babuyan Islands na inaasahang itataas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 mamaya. 

Ramdam rin ang maulang panahon at pabugsu-bugsong hangin sa malaking bahagi ng Northern Luzon. 

• HUWEBES-BIYERNES: Makulimlim at may ilang mga pag-ulan pa rin sa Northern Luzon dahil sa panlabas na sirkulasyon ng bagyo at habagat. Pinakaramdam ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Group of Islands, at kanlurang bahagi ng Northern Luzon.

➡️ ANO ANG INAASAHAN SA HABAGAT SA MGA SUSUNOD NA ARAW? 

Magpapatuloy ang epekto ng "enhanced" habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas hanggang sa weekend.

• MIYERKOLES-BIYERNES: Makulimlim pa rin at mas madalas na ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Metro Manila malaking bahagi ng Luzon at Visayas. 

Hanggang sa minsang matitinding pag-ulan at may kalakasang pagbugso ng hangin ang inaasahan, lalo na sa kanlurang mga bahagi ng Luzon at Western Visayas. 

• Ang epekto ng "enhanced" habagat ay inaasahang magpatuloy pa hanggang sa weekend sa kanlurang mga bahagi ng Luzon at Visayas.

⚠️ Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa sama ng panahon. Ingat po! 

PANAHONKONEK 
SPECIAL UPDATE NO. 03 FOR 'GORING' AND HABAGAT
5:30 PM PhST | 29 August 2023
Main Reference: PAGASA-DOST
Model References: ECMWF/GFS

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored