NAGA CITY | Nakakulong ngayon ang pangunahing suspek na si Lorenzo Purisima sa pagpatay sa dalagitang si Roselle Bandojo na natagpuan sa bakanteng lote sa Liboton, Naga City noong Agosto 28.
Matatandaang sinampahan na ng NBI ng kasong robbery with homicide si Purisima bago matapos ang buwan ng Agosto.
Pero ang pagkakaaresto kay Purisima ay dahil sa dating kaso noon na may kinalaman sa Republic Act 9262 o Anti-violence Against Women and Children Act at 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act na isinampa laban sa kanya.