BABAE SA CAMARINES NORTE, PATAY MATAPOS PAGTATAGAIN NG LALAKING ITSINISMIS NITO SA SOCIAL MEDIA
Patay ang isang babae matapos umano itong pagtatagain ng umano'y lalaki na ipinost nito sa social media dahil sa tsismis sa Purok 5, Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Alma Esplamado, 37 anyos at residente ng kaparehas na lugar.
Ayon sa report ng Labo MPS, nagkaroon ng away ang dalawa na nauwi sa pananaga ng suspek na kinilala na si alyas “Naldo” dahil umano sa tsismis tungkol sa suspek na ipinost naman ng biktima sa social media.
Dead on the spot ang biktima habang kaagad naman na tumakas ang suspek ngunit kalaunan rin ay nadakip ng mga awtoridad sa ikinasang hot pursuit operation.
Mahaharap sa kasong murder ang suspek dahil sa krimen.