Dalwa patay matapos masagasaan nang Pick up


2, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG PICK UP TRUCK SA STA. CRUZ

Patay ang isang truck driver at ang helper nito matapos masagasaan ng isang pick up truck sa kahabaan ng National Highway na bahagi ng Barangay Bubucal, Sta. Cruz, Laguna nitong nagdaang Martes, Nobyembre 7.


Ayon sa ulat, papatawid noon ang mga biktima pabalik sa kanilang truck matapos kumain ng pares nang mabundol sila ng humaharurot na pick up truck.

"Nasa gitna na sila, nabangga sila ng Mitsubishi and then tumilapon pa sila ng more or less 50-60 meters base doon sa nakita ko na location ng slipper doon sa body,“ pahayag ni PSSG Karl Dane Ylagan ng Sta. Cruz Police.

Batay sa CCTV footage na nakalap ng mga awtoridad, makikita ang mabilis na takbo ng pick up truck.

 "Base sa narekober namin na footage, hindi siya huminto. Namatay talaga yung makina and then naigilid lang niya doon sa Caltex, mga 200-300 meters away doon sa crime scene,” dagdag pa ni Ylagan.

Naaresto naman ang driver ng pick up truck ngunit itinanggi nito na mabilis ang kaniyang takbo.

"Aksidente lang po nangyari, wala po ako kasalanan. Hindi po ako lasing, pauwi na po ako noon. Nakaspeed din naman po ako pero hindi naman po sobrang tulin dahil luma na rin naman po yung sasakyan ko,“ pahayag ng suspek.

Kasalukuyan naman nakikipag-areglo ang suspek sa kaanak ng mga biktima.

Source/Photo: ABS-CBN News

#Philippines
#Laguna
#SantaCruz
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored