Hindi Daw si Rizal ang Binaril sa Bagumbayan?


HINDI DAW SI RIZAL ANG BINARIL SA BAGUMBAYAN?

Dahil sa kapangyarihan ng Social Media, napakaraming netizen ang agad na napapaniwala ng mga gawa-gawang kwento, post at video para lamang mag-viral o panoorin ang kanilang mga vlog nang mapagkakitaan. 

Napakaraming sources kagaya ng mga journals, books, mga news reports at mga legitimate news organizations ang nagsabi at nagpatotoo na si Rizal ay binaril at napatay sa Bagumbayan noong 1896. Lahat din ng kaanak at saksi sa araw ng pagkamatay ni Rizal ang nagpapatunay na hindi nakaligtas o nakatakas ang bayani. 

Sa ilan sa mga Youtube vlogs online at facebook post sinasabing nakaligtas daw diumano si Rizal at ang larawan ng isang pari ay ang mismong si Jose Rizal? 

Ang katotohanan, ay walang totoong Jose Antonio Diaz, ang nasa larawan ay si Gregorio Aglipay, isang pari ito noong 1899 na nagkaroon ng kaugnayan sa pagbubunsod ng rebolusyon. 

Matatagpuan rin ang larawan ni Aglipay sa website ng Iglesia Filipina Independiente, Ang Philippine independent Christian church kung saan si Aglipay ang naging unang Supreme Bishop. Pinatutuo ito ng National Historical Commission of the Philippines na si Aglipay ay may mataas ang respeto kay Rizal na naging inspirasyon n'ya para itayo ang kanyang sambahan. 

Ayon naman sa official website ng World Bank mula 1944, wala sa kasaysayan nito ang mga pangalang Diaz, Rizal o kung sinumang Filipino na sinasabing nagtayo ng World Bank. Hindi rin totoo ang mga binunyag ng isang Karen Hudes na nagsabing sa Pilipinas matatagpuan ang mga tone-toneladang ginto. Narito ang kanilang pormal na salaysay; "Karen Hudes has not been employed by the World Bank since 2007 and is in no capacity authorized to represent any arm of the World Bank Group. Any claims otherwise by Ms. Hudes or her proxies are false and should not be viewed as credible.”

Ibig sabihin lamang nito na ang mga kwento ng mga ginto, kaharian ng Maharlika, kaugnayan nila Rizal sa Vatican, maging ang mga dukomento diumanong mga ginto sa China ay pawang kasinungalingan at gawa-gawang kwento na mula lamang sa mga imahinasyon ng mga sumulat.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored