LIVE-IN PARTNERS NA DINUKOT SA LUCENA, BANGKAY NA NANG MATAGPUAN SA ALAMINOS
TINGNAN: Patay na nang matagpuan sa isang construction site sa Alaminos, Laguna ang mag live-in partner na dinukot malapit sa isang resort sa Lucena City nitong nagdaang Biyernes.
Ayon sa Alaminos MPS, kinumpirma ng mga kaanak ng biktima na ang dalawang natagpuang bangkay ay ang live-in partners na sina Edwin Sagala at Anabel Amplayo, kapwa residente ng Barangay Market View sa nasabing lungsod.
Sinabi ng isa sa mga kaanak ng dalawang biktima na sapilitan umanong isinakay sa isang puting van sina Sagala at Amplayo habang magkaangkas sa isang motor sa Barangay Iyam noong Biyernes ng umaga.
Napag-alamang ang lalaking biktima ay dating naharap sa kasong murder ngunit naresolba na ito.
Nakulong na rin ang dalawang biktima dahil sa kasong may kinalaman sa droga subalit nakalaya rin matapos maabsuwelto.
Kapwa nakatali ang kamay ng dalawang biktima at nakasilid sa sako ng sila ay matagpuan nitong Sabado.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.
Source: Radyo Pilipinas Lucena
📷: Alaminos MPS
#Philippines
#Laguna
#Alaminos