MASUNGIT NA PANAHON ASAHAN SA BUONG VISAYAS, MINDANAO AT ILANG BAHAGI NG LUZON DAHIL SA SHEAR LINE AT AMIHAN🌨️
UPDATE: Binabantayan pa rin ng PAGASA ang low pressure area na nasa Pacific Ocean. Namataan ‘yan sa layong 1,220 km silangan ng northeastern Mindanao.
Sa loob ng 48 oras, mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging bagyo pero patuloy raw itong babantayan ng PAGASA, maging ang posibilidad na pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw. Shear line, hanging #Amihan at mga local thunderstorm ang magpapaulan sa bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA.
Asahan ngayong umaga ang pag-uulan sa halos buong #Visayas at sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region, Quezon, Mimaropa Region, Bicol at #Mindanao. Pagsapit ng hapon, uulanin na ang ilan pang panig ng bansa, base sa rainfall forecast. Posible ang heavy to intense rains sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
Samantala dahil pa rin sa Amihan, maalon at delikado sa maliliit na sasakyang pandagat ang pumalaot sa mga dagat sakop ng Ilocos Norte, Cagayan Valley Region, Aurora, at sa ilang baybayin ng Quezon, Bicol Region, Samar Island, Dinagat, at Surigao del Norte.
⚠️Maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na kung tuluy-tuloy ang maulang panahon.
👉 Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa lagay ng panahon.
THURSDAY 9:57 AM PhST | 16 November 2023
Reference: PAGASA-DOST