NAGSIMULA NA ANG PAGKULO NG ATING MUNDO
UPDATE: Ayon sa United Nations Secretary-General na si Antonio Gutierres, nagtapos na ang era ng 'GLOBAL WARMING' o pag-init ng mundo, at nagsimula na ang 'GLOBAL BOILING', o 'pagkulo ng mundo'.
Ayon sa kaniya, ang Global Boiling ay ang panahon kung saan hindi lamang pag-angat sa average na temperatura ng mundo ang nakikita, kundi ang PAGDALAS NG HEATWAVES na nagbabanta sa ating sibilisasyon sa kasalukuyan.
Mas naging MATINDI at NAKAKAMATAY ang mga heatwave na nararanasan sa buong mundo, at ang 'GLOBAL BOILING' ay ang nag-eemphasize sa importansya ng aksyon sa ating klima, ayon kay Greenpeace campaigner Jefferson Chua.