Isa nang ganap na SUPER TYPHOON Category ang bagyong may international name na SINLAKU, ayon sa JTWC ng Amerika.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 240 kph at pagbugsong umaabot na sa 295 kph. Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwestward sa bilis na 15 kph.
Inaasahang direktang maaapektuhan nito ang MarianaIslands sa araw ng Martes.
Sa mga kababayan po natin doon ay paghandaan na po ito at siguraduhing ligtas ang lahat sa pagdating ng mapaminsalang bagyo.
Nananatili namang mababa ang tsansang pumasok pa ito ng PAR at makaapekto sa bansa.