Isang pampasaherong bus ang dumausdos sa tabi ng kalsada sa bahagi ng national highway brgy. Bikal, Libmanan, Camarines Sur, pasado alas-5 ng umaga ng April 25.
Ayon sa impormasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus nang iwasan nito ang kasalubong na sasakyan na sumakop sa kanyang linya.
Sinalpok ng pampasaherong bus na biyaheng Naga mula Metro Manila ang isang bahay, maging nakaparadang kotse at motorisklo.
Inaalam pa kung may nasaktan sa insidente.