MIKROBYO SA STREET FOODS

MIKROBYO SA STREET FOODS

 Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Medical Microbiology ng College of Public Health ng University of the Philippines–Manila, lumabas na may natuklasang antimicrobial resistance (AMR) sa ilang street foods.


Ang AMR ay tumutukoy sa kakayahan ng mikrobyo na labanan ang epekto ng antibiotics. Natuklasan ito sa mga sample ng palamig at iba pang street foods tulad ng kwek-kwek at mga sawsawan, batay sa survey na isinagawa sa 12 food stalls sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Associate Professor at Scientist II Geraldine Dayrit, nagkakaroon ng AMR dahil sa hindi maayos na paghawak o handling ng pagkain ng mga nagtitinda. Dagdag pa rito, nakakaapekto rin ang mga gawain ng mga mamimili, tulad ng hindi tamang paghawak ng pagkain o kakulangan sa kalinisan.

Dahil dito, mahalagang panatilihin ang tamang kalinisan sa paghahanda at pagbili ng street foods upang maiwasan ang pagkalat ng mapanganib na mikrobyo.


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Ads partner

SPONSORED

Ads sponsored

sponsored