Mahalaga ito dahil nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa sukat, pagkakagawa, kaya nitong bigat, at gaano ito kabilis pwedeng gamitin.
Halimbawa, sa P225/40R18 94Y:
Ang “225” ay ang lapad ng gulong sa millimeter.
Ang “40” ay ang taas ng gilid ng gulong kumpara sa lapad nito.
Ang “R” ay ibig sabihin ay “radial” ang pagkakagawa ng gulong.
Ang “18” ay sukat ng rim o gulong na kasya dito, na nasa inches.
Ang “94” ay kung gaano kabigat ang kaya nitong dalhin.
At ang “Y” ay kung gaano ito kabilis pwedeng gamitin nang ligtas.
Kapag naiintindihan mo ang mga markang ito, mas madali kang makakapili ng tamang gulong para sa sasakyan mo.