Kyline, Nagpsaring kina Carmina, Zoren?


KYLINE NAGPASARING KINA CARMINA, ZOREN?

May himig-panunumbat ang cryptic post ng young star na si Kyline Alcantara.

"I was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realize, whose peace is it keeping," ani Kyline sa Instagram.

Haka-haka ng netizens, patama ito ni Kyline sa mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legapi na todo-depensa sa anak na si Mavy na na-bash nang husto matapos ang hiwalayan nila ng young actress.

Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Carmina ng makahulugang "Mom knows best" habang sa X ay sinulat nito na, “Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

Hindi naman nagpahuli si Zoren sa caption ng ipinost niyang reels nina Mavy at Cassy kasama ang ibang hosts ng "Eat… Bulaga!"

“Keep smiling guys @cassy @mavylegaspi it’s good to have GENUINE FRIENDS, ingat kayo," sabi niya.

“Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo. @cassy @mavylegaspi enjoy lang kayo! Love you guys! Family is ❤️," komento ni Carmina sa nasabing post.

(Carmina Villaroel, Kyline Alcantara/Instagram)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored