Payo sa mga Anak


PAYO SA MGA ANAK 

 Mga Anak ko, kung dumating man ang panahon na malalaki na kayo at meron na kayong sariling mundo... Sana pilitin ninyo paring umuwi sa bahay at tabihan kami sa pagtulog

Kung dumating man yung panahon na, makisuyo kami sa mga bagay na hindi na namin kayang gawin sana sundin ninyo kami... 

Kung dumating man yung panahon na mabagal na kaming maglakad, sana alalayan ninyo kami sa aming paglalakad kagaya nung kayo'y maliliit pa.. 

Kung dumating man yung panahon na, hirap na kaming bigkasin ang mga salita at di na namin masabi ng maayos sana pilitin ninyo kaming intindihin.. 

Kung dumating man ang panahon na makakalimutin na kami.. Sana ipaalala ninyo saming lahat ng maayos... 

Kung dumating man ang panahon na hindi na maintindihan ang ugali namin.. Anak, sana pakihabaan ninyo ang inyong pasensya... Sana habaan ninyo ang pang unawa, gaya ng mga panahon na hinabaan din namin ang aming pasensya tuwing hindi namin kayo mapatulog nung sanggol pa kayo... 

Nung panahon na inaaalalayan ka namin sa paglalakad, hindi kami umaalis sa tabi ninyo sa bawat hakbang upang maalalayan namin kayo kung kayo'y natutumba.. 

Nung mga panahong hindi kami makatulog pag hindi kayo ang katabi namin.. Dahil gusto naming yakapin kayo.. Kumutan kayo.. Pag gising sa umaga kayo ang una naming gustong nakikita... 

Nung mga panahon na, bulol pa kayong magsalita.. Pero pinipilit naming intindihin at turuan kayo ng tama... 

Nung mga panahon na, ang dami naming ginagawa pero gusto ninyong makipaglaro.. May mga gusto kayong kunin na hindi ninyo kaya...

Mga Anak... Huwag nyo sanang kakalimutan lahat ng aming mga itinuro sainyo.. 

Ipamana ninyo pa ito sa aming magiging mga apo.

Dumating man ang panahon na wala na kami.. Lagi ninyong iisipin na kayo ang pinakamamahal namin sa mundong ito!

Nagmamahal,
Ang inyong mga magulang.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored