'FAREWELL TO A CHILDHOOD MEMORY' 🥹
Inanunsyo ng Islander Factory Store sa isang Facebook post na magkakaroon ito ng Final Sale dahil magsasara na ito sa January 1, 2024.
"To all who worked with us, patronized us, shared with us, enjoyed with us, laughed and cried with us, persevered and believed in us, our friends, colleagues, families....Thank you, thank you so much!", mababasa sa kanilang post.
Ang post ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga Islander user at dating factory worker na inaalala ang kani-kanilang nostalgic moments kasama ang brand.
Gayunpaman, nilinaw ng Islander Footwear Manufacturing Corporation (IFMC) na ang 'Outlet store' lamang ang magsasara, hindi ang kumpanya. Ang post ay para sa huling pagbebenta ng outlet, na magsasara.
"It's the Outlet which is closing, the factory is still not operational until now but wala pa mag closed", inihayag ng IFMC.
Sa isang post noong July 1, 2021, inihayag ng IFMC na dahil sa kakulangan ng mga order, ang pabrika ng Islander na matatagpuan sa Tungkop, Minglanilla Cebu ay hindi na operational. Simula noon, wala ni isang pares ng tsinelas o sandal ang na-produce sa factory.