Bagong Silang na Sanggol natagpuan sa loob ng Simbahan


BAGONG SILANG NA SANGGOL, NATAGPUAN SA LOOB NG SIMBAHAN SA MULANAY

TINGNAN: Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa altar ng St. Peter the Apostle Parish sa Mulanay, Quezon nitong nagdaang Martes, Pebrero 20, 2024.

Ayon sa ulat, nagdarasal sa loob ng simbahan si Gng. Adelina Gonzalez bandang alas-6:00 ng gabi nang bigla siyng nakarinig ng iyak ng sanggol sa paanan ng isang rebulto.

Nang kaniya itong lapitan ay tumambad sa kaniya ang isang kumot na naglalaman ng isang sanggol na lalaki.

Kaagad na nagtungo si Gng. Adelina sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang ipagbigay alam ang tungkol sa namataang sanggol.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Rural Health Unit (RHU) ang sanggol upang isailalim sa pagsusuring medikal.

Samantala, pinaghahanap naman ng mg awtoridad ang babaeng nakita sa CCTV na nag-iwan sa sanggol.

Ang malusog na sanggol ay pinangalanang "Baby Peter".

Source: ABS-CBN News; Philippine Star

Philippines
#Quezon
#Mulanay
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored