Inanunsiyo ni Maco Mayor Arthur Voltaire Rimando na magsisimula na ngayong Miyerkoles, Feb. 14, ang search and retrieval operation para sa mga bangkay ng naging biktima ng landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro nitong Martes, Feb. 6.
Ito ay matapos ihayag nitong Martes, Feb. 13, na ititigil na ang search and rescue operation sa ground zero ng naturang lugar.
Samantala, umakyat na sa 71 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa insidente, kabilang ang 17 unidentified bodies na sasailalim sa temporary burial ngayong araw base sa rekomendasyon ng Maco Municipality Health Office. (Courtesy: Radyo Pilipinas)