𝗣𝗮𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴-𝗽𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝗼𝗿 𝗱𝗲 𝗲𝗱𝗮𝗱


𝗣𝗮𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴-𝗽𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝗼𝗿 𝗱𝗲 𝗲𝗱𝗮𝗱

NAHAHARAP ngayon sa patong-patong na kaso ng panggagahasa at pang-aabuso ang isang Assistant Parish Priest sa St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Solana, Cagayan. 

Kinilala ang suspek na si Rev. Father Karole Reward Israel, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tucalana,  Lallo ng nasabing probinsya. 

Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na nagsimulang abusuhin ng pari ang 16-anyos na biktima nitong Pebrero ng kasalukuyang taon, ngunit ayon sa dalaga, taong 2019 pa nang sila ay magkalapit ng suspek dahil sakanyang pagiging aktibong miyembro ng Youth Ministry sakanilang parokya. 

Kwento pa ng biktima, makailang ulit pang ginawa ng pari ang panggagahasa sakanya na kung hindi umano sa  hotel, ay sa loob ng sasakyan at maging sa kumbento. 

Hindi umano nagawang magsumbong agad ng biktima dahil sa pananakot ng pari na ipapakalat ang kanyang mga hubad na larawan at videos na palihim nitong kinunan. 

Dahil sa insidente, makailang beses na sinubukang kitilin ng biktima ang kanyang sariling buhay ngunit dumating ang pagkakataon na nagawa nitong magsumbong sakanyang guro kung kaya’t naipaalam ito sa kinauukulan. 

Sa isinagawang operasyon ng NBI, positibong naaresto si Father Israel na nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 7877 o Anti Sexual Harrasment Act;  RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act; RA 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act at RA 7610 o Child Abuse. 

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang Archdiocese of Tuguegarao hinggil sa insidente habang pursigido naman ang pamilya ng biktima na ipakulong ang suspek.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored