Arestado na ang most wanted person sa bayan ng Calasiao, Pangasinan


Arestado na ang most wanted person sa bayan ng Calasiao, Pangasinan na sangkot umano sa investment scam na aabot sa P100 milyon ang natangay ng mga biktima ito ay matapos dakipin ng pulisya ang suspek sa San Isidro, Nueva Ecija. 

Nakilala ang naarestong suspek na si Paul Amores Rosales, 36-anyos, o mas kilala bilang Seymoure Paul Rosales.

Matapos magtago sa loob ng halos tatlong buwan ay nadakip ito sa kanyang tinutulyan sa Barangay Poblacion sa San Isidro, Nueva Ecija.

Ani naman ng pulisya ay hindi lamang taga-Calasiao ang iba pang suspek kundi mayroon ding taga-Maynila.

"Hindi lang po taga-Calasiao, Pangasinan ang biktima nito. Mayroon din po sa Maynila para sa kaalaman ng lahat,” ani ni San Isidro Police Station Chief Major Shariel Paulino.

Batay sa awtoridad, nagpapakilala umano si Rosales na isang negosyante upang makahikayat ng mga tao na mag-invest sa kaniya umanong mga negosyo tulad ng piggery, coffee shop at pet shop.

Kapag nakumbinsi niya ang target na biktima, bibigyan daw ito ng suspek ng isang notaryadong kontrata o affidavit bilang patunay sa investment. Ngunit kalaunan ay hindi na umano ibabalik ng suspek ang pera ng mga biktima. Gayon din na hindi rin daw pinapasohod ng suspek ang kaniyang mga empleyado.

Humigit kumulang P100 milyon  umano ang nakuha ng suspek mula sa 600 investors na kaniyang nabiktima. Bagamat tumanggi magbigay ng pahayag ay sinabi sa ulat na aminado si Rosales sa kinakaharap na kaso.

Dinakip si Rosales sa bisa ng tatlong warrant of arrests na inilabas ng Calasiao Municipal Regional Trial Court, na nakasaad na mayroon siyang kaso ng 25 counts of estafa.

Mula sa San Isidro Police Station, ililipat si Rosales sa Calasiao Police Station kung saan nasa 20 investors na umano ang nakipag-ugnayan sa mga pulis.

Source: One North Central Luzon
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored