Mangingisda, natagpuang patay sa kanyang bangka


 | 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝘂𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝘂𝘁𝗮𝗻𝗴-𝗹𝘂𝘁𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻, 𝗦𝗼𝗿𝘀𝗼𝗴𝗼𝗻

Palutang-lutang ang isang bangka habang naka-sakay pa ang wala ng buhay na mangingisda ng matag-puan ng kapwa nya mangingisda kaninang alas 6:00 ng umaga malapit sa San Bernardino Light House, Bulusan, Sorsogon

Ayon sa dalawang mangingisda (Mula sa Brgy. Calintaan, Matnog) na naka-kita sa palutang lutang na bangka, kinabahan sila ng makita nila ito na parang may naka subsob na katawan ng tao at naka-laylay na ang kamay sa dagat.

Dagdag pa ng mga mangingisda, mag-uumpisa pa lang sana sila na mang-huli ng isda ng makita nila ito na agad naman nila na hinila papuntang pangpang para maipag bigay alam sa mga awtoridad.

Sa ngayon, palaisipan pa ang naging sanhi ng pag-kakamatay nito at iniimbistigahan ang posibleng nangyari sa wala ng buhay na mangingisda. 

Samantala, may naka-sulat naman na address sa likod na parte ng Bangka na sinasabing mula pa daw ito sa lalawigan ng Masbate.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored