Inihayag ni Senate President Migz Zubiri na nakausap niya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na bumisita kahapon, Okt. 10, sa kanyang opisina at napag-usapan nila ang katayuan ng China sa POGO.
"Mr. Senate President in our country a lot of people have died, committed suicide, who are in jail now for theft and robbery because of payments that have to made to POGO Operators operating in other countries particularly to the Philippines,” pahayag ni Ambassador Huang Xilian.
Dagdag ni Zubiri na marami ng mga host country gaya ng Cambodia at Pilipinas ang napipinsala dahil sa krimen na dulot ng POGO kaya't hindi na ito pinapayagan sa China.
Aniya, parte na ang Pilipinas ng Blacklist sa tourist site ng China dahil hindi nila alam kung mag-popogo ba ang mga turista papunta sa Pilipinas o magbabakasyon, ito rin aniya ang dahilan kaya’t may pagbaba ng Chinese tourists na pumupunta sa bansa.