COMMERCIAL FLIGHT NG SKYPASADA SA CALAYAN ISLAND MATAGUMPAY KAHAPON


COMMERCIAL FLIGHT NG SKYPASADA SA CALAYAN ISLAND MATAGUMPAY KAHAPON

Labindalawang pasahero ang ligtas na nakauwi sa Calayan  Islands sa lalawigan ng Cagayan kahapon sa pamamagitan ng isang commercial flight ng SkyPasada.


Ayon sa manager ng Calayan Airport na si Engr. Alexander Acob, ang nasabing commercial flight ay hiniling ng mga Calayanos na hindi nakauwi nitong Pasko sa pamamagitan ng ferry dahil sa sama ng panahon. 


 
Labing-isang pasahero naman ang ibinalik ng SkyPasada sa Tuguegarao City sa parehas na araw.

Magkakaroon muli ng isang balikang commercial flight ang SkyPasada ngayong araw.

Litrato ng Calayan Municipal Information Office
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored