Pagbaha sa mga barangay ng Llorente, Eastern Samar

 Nagresulta sa mataas na pagbaha ang malakas na buhos ng ulan sa mga barangay ng Llorente, Eastern Samar ngayong Sabado, Dec. 24, 2022.


Kabilang sa mga barangay na nalubog sa baha ay ang Brgy. Naubay at Antipolo. Ganoon din ang Brgy. 11, 7, 8 (breakwater area), at iba pang mga kalapit na barangay. 

Kaugnay nito, hiniling ni Llorente Mayor Daniel Cardona Boco na magsagawa ng special session ang konseho ng lungsod para magdeklara ng state of calamity sa lugar. 


Ang deklarasyon na ito ay para magamit ng mga barangay at munisipyo ang kanilang calamity fund upang makapagbigay ng ayuda o food packs, at iba pang relief goods sa mga residenteng apektado. 


(Courtesy: Llorente LGU)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored