TOTOONG BAHAY O MINIATURE? MINIATURE O TOTOONG BAHAY?
Sa unang tingin ay aakalaing isang bahay ang nasa larawan pero ito ay isang miniature na barongbarong na gawa ng isang fine arts student na si Macdaryll Malto mula Diffun, Quirino.
Ang kanyang konsepto ay isang barongbarong na bahay na sumisimbolo ng kahirapan.
“Gusto ko ring magbigay ng pag-asa lalo na sa mga mahihirap na they can rise from poverty kung magsisikap sila sa pag-aaral,” ani Malto sa kanyang panayam sa ABS CBN.
Sa pandemiyang kinakaharap natin ngayon, mensahe ni Macdaryll na maging matulungin ang bawat Pilipino sa kapwa at maging responsableng mamamayan.
Si Macdaryll ay kasalukuyang nag-aaral ng fine arts sa University of the Philippines Baguio.