Ginang, pinagtataga ng asawa, pulis na nagresponde tinaga rin
POLICE REPORT | Patay ang isang ginang na kinilalang si Yhona Realo , 32 anyos ng Zone 1 Mabolo, Naga City nang pagtatagain ng asawa pasado alas 12 ng madaling araw ngayong Huwebes May 25.
Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek na kinilalang si Christopher Realo na nauwi sa pananaga gamit ang itak.
Nagtamo ng taga sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima hanggang sa mamatay.
Nadatnan pa ng rumpispondeng mga pulis ng Naga City at SWAT team ang suspek sa pinangyarihan.
Pero tumangging sumuko ang suspek kaya pinasok na ng otoridad.
Nataga sa kanang balikat ang isang pulis kaya nabaril ang suspek at idineklarang dead on arrival sa ospital.