BAGYONG GORING, NAGSIMULA NANG KUMILOS PALAYO NG LUZON⚠️
Napanatili ng Super Typhoon #GoringPH (#Saola) ang lakas nito habang kumikilos patungo sa West Philippine Sea. Dahil sa sirkulasyon ng bagyo, inaasahang masungit pa rin ang panahon sa Extreme Northern Luzon ngayong araw.
Kasalukuyang Impormasyon:
• LOKASYON NG SENTRO: 125 km West Southwest of Basco, Batanes
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 195 km/h
• PAGBUGSO: 240 km/h
• PAGKILOS: West Northwestward at 15 km/h
• LAWAK NG MALALAKAS NA HANGIN: 340 km from the center
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs):
➡️ Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa karagatan sa timog-kanluran ng Batanes. Ito ay mabagal nang kumikilos palayo ng Luzon.
➡️ Dahil sa sirkulasyon ng bagyo, mananatiling masungit ang panahon sa Extreme Northern Luzon ngayong araw, partikular sa Batanes at Babuyan Islands kung saan nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.
➡️ Mula ngayong araw hanggang bukas, may mga malalakas na pag-ulan pa ring inaasahan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Cagayan, at Batanes. Posible pa rin itong magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
➡️ Dahil sa paglayo ng bagyo, mas mababawasan na ang epekto nito sa Luzon simula bukas, ngunit patuloy na magpapaulan ang habagat sa kanlurang bahagi hanggang sa weekend.
⚠️ Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa sama ng panahon. Ingat po!
PANAHONKONEK
TROPICAL CYCLONE UPDATE FOR GORING
11:30 AM PhST | 30 August 2023
Main Reference: PAGASA-DOST
Model References: ECMWF/GFS