BAGYONG TATAWAGING 'GORING' POSIBLE MAGING NAPAKALAKAS NA BAGYO


BAGYONG TATAWAGING 'GORING' POSIBLE MAGING NAPAKALAKAS NA BAGYO, TUTUMBUKIN ANG EXTREME NORTHERN LUZON! 🌀🌀

UPDATE | Ang isang Low Pressure Area [LPA] na nasa 445 km sa silangan ng Aparri, Cagayan kaninang 3:00 PM, na may kalayuan pa sa kalupaan ay MATAAS ang tyansang maging isang NAPAKALAKAS na BAGYO ayon sa mga weather models. Ayon sa PAGASA ay magiging bagyo na ito sa susunod na 24 oras at tatawaging '#GoringPH'.

Ang potensyal na malakas na bagyong tatawaging 'Goring' ay posibleng umangat ngunit biglang bubulusok paibaba at mag-U-TURN pabalik sa EXTREME NORTHERN LUZON, kung saan posible itong magkaroon ng 'RAPID INTENSIFICATION' o MABILIS na PAGLAKAS nito bilang 'typhoon' sa Philippine Sea, ayon sa mga MAJORITY ng weather models.

Sa ngayon, nakakaapekto ang trough ng Low Pressure Area [LPA] ng kaulapan nito ang nagdudulot ng ilang mga pag-ulan sa Cagayan Valley at CAR.

POSIBLE PA ANG PAGBABAGO, ngunit inaabisuhan na ang lahat na MAGHANDA at MAGMONITOR ukol sa potensyal na malakas na bagyo.

PWIR Comprehensive Update
23 August 2023 
Sources | via Dost_pagasa, Japan Meteorological Agency, Joint Typhoon Warning Center, Weather Models [GFS, ECMWF]

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored