LPA NA TATAWAGING BAGYONG 'GORING', POSIBLENG LUMAPIT SA EXTREME NORTHERN LUZON AT MAGPAULAN SA MGA SUSUNOD NA ARAW 🌀🌀
UPDATE [PIWR] | Ayon sa Dost_pagasa ngayong 11AM, MATAAS na ang tyansang maging bagyo sa mga susunod na araw ang Low Pressure Area [LPA] na huling namataan sa 500 km silangan ng #AparriCagayan kaninang 10AM, matapos nilang mag-sunod-sunuran sa Joint Typhoon Warning Center [JTWC] na nagissue na ng kanilang 'Tropical Cyclone Formation Alert' at sa JMA na nagdeklara dito bilang 'tropical depression' o mahinang bagyo.
Pag naging bagyo na ang Low Pressure Area #91W sa PAGASA, ay tatawagin nila itong bagyong '#GoringPH', ang unang bagyo ngayong Agosto at ika-anim ngayong taon sa loob ng PAR.
Ayon sa majority ng mga numerical weather models, inaasahang bahagyang aangat ang potensyal na bagyo sa susunod na 1-2 araw at lalapit sa Taiwan. Ito ay kelan pwede itong BUMULUSOK pababa palapit sa bansa, ngunit hindi pa sigurado kung saan ito posibleng tumungo matapos nyan.
Posibleng magpaulan ang extension ng potensyal na bagyo sa western section ng bansa at hatakin ng bahagya ang #HabagatPH o #southwestmonsoon.
Madami pang pagbabago ang inaasahan kaya't mag-ingat at patuloy na magmonitor.
PIWR Comprehensive Update
23 August 2023
Sources | via DOST-PAGASA, Japan Meteorological Agency, Joint Typhoon Warning Center, Weather Models [ECMWF, GFS]