5 MIYEMBRO NG CAFGU, PATAY MATAPOS TAMBANGAN NG MGA REBELDENG GRUPO SA TAGKAWAYAN


5 MIYEMBRO NG CAFGU, PATAY MATAPOS TAMBANGAN NG MGA REBELDENG GRUPO SA TAGKAWAYAN

Nasawi ang limang (5) miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang tatlong iba pa ang sugatan matapos tambangan ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA) sa Sitio Pag-asa, Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon nitong nagdaang Biyernes ng umaga, Setyembre 1.


Kinilala ng Tagkawayan PNP ang limang nasawing miyembro ng CAFGU na sina Cesar Sales, Jeffrey San Antonio, Aljohn Rapa, Johnwen Perez at Jomari Guno.

Sa pahayag ni AFP-Southern Luzon Command (AFP-SOLCOM) Spokesman Lt.Col. Dennis Cana, sinabing naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga habang nagpapatrolya ang mga tropa ng sundalo at CAFGU sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, isa umano sa mga CAFGU ang aksidenteng napatapak sa isang landmine na patibong ng mga rebeldeng grupo na nag-uwi sa malakas na pagsabog.

Matapos ang pagsabog, nagkaroon pa ng maikling palitan ng mga putok sa pagitan ng mga tropa at rebeldeng grupo.

Ayon kay PCol Ledon Monte, provincial director ng Quezon police, ang mga rebelde ay pawang nakasuot ng itim na sando at pulang bandana.

Samantala, inaalam pa ng AFP kung mayroong nasawi sa grupo ng mga rebelde.

Kamakailan lamang ay idineklara ni Quezon Governor Helen Tan na insurgency free na o mayroon nang Stable Internal Peace and Security (SIPS) ang lalawigan ng Quezon.

Source: Inquirer
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored