MAKULIMLIM NA LINGGO SA MALAKING BAHAGI NG LUZON AT WESTERN VISAYAS⚠️
May mga pag-ulan at pagbugso ng hangin pa sa Luzon, lalo na sa kanlurang bahagi, at Western Visayas dahil sa enhanced #habagat na maaaring magtagal pa ng 3-5 araw. Masungit ang panahon ngayon sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa bagyong #HannaPH.
KASALUKUYANG IMPORMASYON SA BAGYONG HANNA:
• Lokasyon ng sentro: 215 km North Northeast of Itbayat, Batanes
• Lakas ng hangin malapit sa gitna: 150 km/h
• Pagbugso: 185 km/h
• Pagkilos: Westward at 20 km/h
• Lawak ng malalakas na hangin: 560 kilometro mula sa gitna
MGA DAPAT MALAMAN:
➡️ ANO ANG MAGIGING PAG-UULAN NGAYONG ARAW?
• Ang habagat (southwest monsoon) na pinalalakas ng bagyong HANNA ay patuloy na magdudulot ng makulimlim na papawirin na may pabugsu-bugsong ulan at may kalakasang hangin sa Metro Manila, halos buong Luzon, at Western Visayas ngayong araw.
⚠️ Ngayong Linggo (Sunday), maaaring mas madalas at malalakas ang maranasang pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Abra, Benguet, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, at Batangas.
⚠️ Ang mga malalakas na pag-ulan ay posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, kaya ibayong pag-iingat ang kailangan!
• Ang nalalabing bahagi ng bansa ay patuloy na makakaranas ng pangkalahatang maayos na panahon at tiyansa lamang ng localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.
➡️ ANO ANG INAASAHAN SA BAGYONG HANNA?
• Inaasahang tatawirin na ng bagyong HANNA ang katimugang bahagi ng Taiwan mamayang gabi at hihina na sa mga susunod na araw.
• Dahil sa pagbaba pa ng track ng bagyong HANNA at lawak nito, inaasahang mahahagip ang BATANES at BABUYAN ISLANDS ng sirkulasyon nito ngayong araw hanggang bukas.
⚠️ Ngayong araw ay magdudulot na ang bagyong HANNA ng pabugsu-bugsong malakas na hangin at mga pag-ulan sa mga nasabing lugar.
➡️ HANGGANG KAILAN MAULAN ANG PANAHON?
• Dahil sa posibleng mabagal at magulong galaw ng bagyong HANNA sa mga susunod na araw, maaaring magtagal pa ang makulimlim na panahon sa malaking bahagi ng Luzon ng 3-5 araw.
➡️ MAY BAGONG BAGYO BANG PARATING?
• Patuloy na ipinapakita ng mga weather model ang posibilidad na may mabuo pang mga bagyo sa Pacific Ocean sa susunod na linggo. Ito ay patuloy na babantayan kung makakaapekto sa Pilipinas.
⚠️ Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa sama ng panahon. Ingat po!
PANAHONKONEK
SPECIAL UPDATE NO. 08 FOR HABAGAT AND HANNA
5:30 AM PhST | 03 September 2023
Main Reference: PAGASA-DOST
Model References: ECMWF/GFS