TRUCK NA MAY SAKAY NA MGA PARCEL, NAG-LIYAB SA MATNOG PORT, SORSOGON
Nag-liyab ang isang wing van type na 10 wheeler truck sa parking area ng Matnog Port, Sorsogon bandang alas 2:25 ng madaling araw, Setyembre 9, 2023 na umabot ng halos dalawang oras ang paglagablab ng apoy.
Sa inisyal na report, may mga sakay ang nasabing truck na fire crackers at kahon-kahong parcel mula sa isang online shopping app na idi-deliver sana papuntang Mandaue City, Cebu galing sa Biñan, Laguna.
Samantala, tulong-tulong sa pag-apula ng sunog ang mga kawani ng BFP Matnog, BFP Sta. Magdalena, BFP Irosin at BFP Bulan para masiguro na walang madadamay na iba pang sasakyan sa naturang parking area.
Nag-papatuloy pa din sa ngayon ang imbestigasyon ng Bfp Matnog Sorsogon sa naging sanhi ng sunog na naideklarang fire-out, kaninang alas 4:00 ng madaling araw. I report Darrel Jun Buena
More stories: www.bicolexpress.news
📸 | BFP R5 Matnog Fire Station