RENDON SA E.A.T., EAT BULAGA: PASALAMAT KAYO SA AKIN TATAAS RATINGS N'YO


RENDON SA E.A.T., EAT BULAGA: PASALAMAT KAYO SA AKIN TATAAS RATINGS N'YO

Iginiit ni motivational speaker Rendon Labador na dapat magpasalamat sa kanya ang mga noontime shows na "EAT" at "Eat Bulaga" dahil aariba ang ratings ng mga ito sa pagkakasuspinde ng "It's Showtime."

Sey ni Rendon, dahil sa pag-call out niya sa pagdila ng cake gamit ang daliri ng magkarelasyong Vice Ganda at Ion Perez sa "Isip Bata" segment ng show ay pinatawan ang "It's Showtime" ng 12 araw na suspensyon ng MTRCB.

"Sana man lang yung mga kalabang mga noon time show diyan, mag pasalamat naman kahit konti. Tataas ang ratings ninyo ng 12 DAY. Simpleng 'thank you, Rendon' ma appreciate ko na yan," wika niya.

(Rendon Labador/Instagram)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored