Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Region 8 Director Lord Byron Torrecarion, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Nakapagtala din ang OCD ng 11 insidente ng landslide sa lugar bunga masamang panahon.
Apat na insidente ng landslide ang naitala sa Catarman at Lope de Vega sa Northern Samar, dalawa sa Liloan at Bontoc sa Southern Leyte, dalawa sa Catbalogan City at Tagapul-an sa Samar, dalawa sa Jipapad at Oras sa Eastern Samar at isa sa Babatngon, Leyte.
Aabot naman sa 29 na barangay sa Northern Samar ang lubog sa baha, 29 din sa Samar at 23 sa Eastern Samar.
Batay naman sa ulat ng Provicial Disaster Risk Reduction and Management office o PDRRMO, nasa 54,000 katao o 24,000 pamilya sa Northern Samar ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.
#prayforSAMAR