Ayon sa complainant na residente ng Kabankalan City, nanghiram siya ng mga grocery items sa local market bago pumunta sa kanyang pinagtatrabahuan. Pero inutusan siya ng kanyang ama na bumili ng gamot sa botika sa loob ng mall.
Kuwento ng complainant, pagpasok sa mall ay sinuri ng mga security guard ang kanyang bag at natuklasan ang mga hiniram niyang grocery items, na nagkakahalaga ng P100. At kahit nangatwiran na siyang hiniram niya ang mga iyon sa ibang establisimyento, pinigil umano siya ng mga security guard at inakusahan ng pagnanakaw.
Aniya, mahigit tatlong oras siyang pinigil sa mall bago nakumpirma ng establisimyento na wala siyang ninakaw mula sa grocery store, makaraang suriin ang CCTV footage.
Source
#PilipinasToday