Christy Permin, Nanggagalaiti kay Vice Ganda


Inako ang pangalang “Cristy na Sinungaling”???

Cristy Fermin nagngangalit at nanggigigil kay Vice Ganda dahil sa naging biro nito kahapon. Sa segment kasi ng Tumpakners ay nagbiro si Vice Ganda sa isang players na nagngangalang ‘Cristy’ tungkol sa pinagkakaabalahan daw nito bukod sa pagsisinungaling.

Tila tinamaan at inako ni Cristy Fermin ang naturang biro ni Vice Ganda at hinamon niya ito na diretsahan siyang sabihan at huwag idaan sa pagbibiro.

Matatandaang isa si Cristy Fermin sa madalas na magbigay opinyon ukol sa relasyon nina Vice at Ion at pinamamalita nito na hindi umano maganda ang relasyon ng dalawa. 

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” saad ng showbiz columnist.

“Eh bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling ano pa pinagkakaabalahan mo?’ Eh ako diretso ko nasasabi sa kaniya na mayabang siya, ‘di ba? Na wala ka manlang makitang pagpapakumbaba sa kaniya. Diretso kong nasasabi yon, bakit hindi niya rin ako diretsuhin? Eh pu-pwede naman?” dagdag pa niya.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored