UPDATE: Dalawang aktibong Low Pressure Area sa Pacific Ocean na kapwa nasa labas ng PAR ang patuloy ngayong binabantayan, dahil sa posibilidad na maging mga bagyo sa mga susunod na araw.
Ang unang LPA (95W) na binabantayan sa labas ng PAR o sa silangan ng #Mindanao ay inaasahang lalakas na bilang isang ganap na bagyo sa susunod na 24-48 oras.
Inaasahang papasok ito ng PAR sa susunod na linggo at tatawaging "KABAYAN" ng PAGASA.
Sa ngayon ay nananatiling uncertain o hindi pa tiyak kung saan ito eksaktong dadaan dahil may mga weather models na nagsasabing magla-landfall o tatawid ito sa bansa o kaya'y mag-recurved papalayo sa bansa.
Ang ikalawang LPA (96W) na binabantayan sa labas ng PAR na nasa silangan din ng #Mindanao ay may posibilidad ding maging bagyo, ngunit sa ngayon ay patuloy itong babantayan kung papasok sa PAR at makaapekto rin sa bansa.
Patuloy na mag-antabay sa mga susunod na update na ipalalabas hinggil sa banta ng nagbabadyang sama ng panahon o bagyo sa mga susunod na araw.