Kapag ang tao ay namatay na, patay na sila, at sa kabilang ibayo mahihimbing ang kanilang kaluluwat katawan at gigising sa tamang panahon, panahon ng paghuhukom, walang purgatoryo ito'y gawa-gawa lamang.
Ang multo, mga nagpaparamdam at kaluluwa ay hindi ang mga namatay, kundi ginagaya ng mga dimonyo ang itsura at karakter ng mga namatay, kapag natakot tayo puntos iyon sa kaharian ni Satanas, mga diablo at masasamang elemento ang nagmumulto o nagpaparamdam hindi ang namatay.
Kaya't 'wag maniwala sa mga eksperto sa paranormal diumano, dahil para din silang mga bulaang propeta at mga pekeng lider sa pananampalataya, na nagkalat sa social media at telebisyon na daig pa ang mga hall of famer ng FAMAS kung umarte sa harap ng kamera. Diyos lang ang tunay na makapangyarihan, 'wag Tayong palinlang.
Nakakalungkot, na ang tradisyon natin sa Nobyembre ay hindi ang pag-alaala sa kasaysayan ng ating mga yumaong kapamilya, kundi ang mga horror stories at katatakutan na walang saysay.