Napatunayang may mga Tao na sa Pilipinas, 50,000 years Ago


Mga Human species Books at World history, muling binabago at isinusulat matapos mapatunayan na may tao na sa Pilipinas 50,000 years ago. 

Oo, ayon sa sinagawa ng mga eksperto sa Amerika, tinatayang 50,000 years old na ang tanda ng mga natagpuang buto sa Callao Cave, PeƱablanca, Province of Cagayan sa Luzon noong 2019. 

Malayo sa alam nating kasaysayan na ayon sa ating mga libro noon na ang unang mga taong nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Negritos na napadpad sa Pilipinas 30,000 BCE (Before the Common Era/Before Chirst) o 32,023 years ago. Kasunod ang pagkakadiskubri ng Tabon Man sa Palawan. 

Ang pagkakadiskubri ng Filipinong si Arman Mijares ang nagpabago ‘di lamang sa kasaysayan natin kundi sa kasaysayan ng mga uri ng tao sa mundo. Ito ang unang pagkakataon na nailagay ang Pilipinas na may uri din pa lang tao noon. Malinaw na mayroon nang nanirahang sa ating bansa noon pang 50,000 BCE.

Ang taas o height ng bagong species na ito ng tao ay nasa 4 feet lamang, hinihinalang dahil sa isla na lumubog sa pagtaas ng dagat ang dinaanan ng mga ito at napadpad sa Pilipinas. 

Sa ating libro, pagkatapos ng mga Negritos sumunod na nanirahan ay ang mga Austronesians noong 3,000 BCE sa ating bansa. Sumunod na dumating naman ang emperyo ng Hindu Malay noong 8 CE (Common Era/After Death of Jesus/Anno Domini) mula sa karatig nating mga bansa. 

1250 AD dumating ang mga Datu na mula sa Borneo at 1402 AD unang nagkaroon ng ugnayan ang China at Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkalakan o Barter Change. Taong 1450, dumating ang mga misyunaryong Muslim sa Sulu, at 1521 ang Portuguese na si Ferdinand Magellan ay narating ang Cebu at Samar.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored