Maegan Aguilar, Muling nayakap ang Kanyang Ama


MAEGAN AGUILAR NAYAKAP MULI SI FREDDIE; NAKASAMA NA 2 ANAK

Walang sisidlan ang saya ng singer na si Maegan Aguilar makaraan silang magkabati ng amang si Freddie Aguilar at makasama na muli ang dalawang anak na nasa poder ng huli.

“Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always,” caption ni Maegan kalakip ng larawan nilang mag-ama.

“Finally with my daughters again! After being away from each other for a while…God is truly good all the time. In Jesus name. Amen,” aniya naman sa photo na kasama ang mga anak.

Matatandaan na dumulog si Maegan sa Raffy Tulfo in Action noong January upang ireklamo ang amang si Freddie sa hindi umano nito pagtulong sa kanya sa kabila ng iniinda niyang sakit.

Sagot naman ni Freddie, sa isang panayam, sinagot niya ang mga gastusin ng anak nang maospital ito pero hindi ito maaaring makabalik sa kanyang tahanan hangga't hindi ito nagbabago.

"We are talking but she’s still not allowed in my house kasi nasa akin yung anak niyang si Anaya na pinag-aaral namin. Tapos yung isang apo ko pang si Sky, nasa bahay din," pahayag ng "Anak" singer.

“Si Maegan, hindi siya puwede doon until malaman ko na talagang nagbago na siya. Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e. Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e'," ayon pa sa OPM legend.

“Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago,” dagdag nito ukol kay Maegan na napabalita noon na gumagamit ng droga na itinanggi naman ito.

(Maegan Aguilar/Facebook)

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored